Paalala sa lahat ng mga commuters lagi niyo po iingatan ang mga gamit niyo dahil hindi natin masasabi kung kailan darating yung time na mananakawan tayo. Let me share with you my experience commuting going to Gil Puyat LRT station. Sa araw araw nag cocommute ako to go to a job interview kahit going to Quezon city, Mandaluyong, Ortigas, Makati... pero sa Manila Pasay area ako nadukutan at Gil Puyat station.
Nangyari ito last Friday around 3:00pm pinag iisipan ko nung nasa Edsa ako kung mag Mrt ba ko or Lrt kasi yung pupuntahan ko sabi sakin malapit sa Gil Puyat station yung job interview ko kaya pinili ko na lang mag LRT since meron akong oras na hinahabol.
Hawak hawak ko pa ang wallet ko nung mag babayad na ko going to Gil Puyat. After nun pinasok ko na sa bag ko ang wallet ko at sinarado ko bag ko. Pumunta ako sa ladies area malapit sa senior citizen lane.
Pag dating ng train inantay ko makapasok lahat saka ako sumiksik papasok. Pumunta ako sa gitna kung saan walang masyadong tao sa tabi ko. Dalawang station lang naman pagkatapos ng Libertad is Gil Puyat na.
Pagka baba ko sumiksik ako palabas at nung pagpila ko sa swipe card merong babae tumapik sa likod ko at nag sabi: "ma'am bukas ang bag niyo!"
Nag panic ako... sa sobrang nataranta ako na hindi ko na makita wallet ko umiiyak ako at kinausap ko ang mga security guards at mga police doon pero wala sila magawa kasi kung sa loob ng LRT ako nadukutan or sa pag pila ko na hindi nila napansin at wala rin nakatutok na CCTV camera doon kundi sa stairs lng nakatutok hindi nila ako matutulungan talagang wala na wallet ko.
Kaya sa mga madalas dito mag commute hindi safe kahit saan. Always make sure na kapag madaming tao yakapin niyo bag niyo sa harap niyo wag niyo lalagay sa side niyo lang ang shoulder bag niyo. Ang mga mandurukot sanay sila magnakaw mabibilis ang mga kamay nila kahit hindi niyo mararamdaman.
Pag nasa labas kayo iwas iwasan niyo wag mag cecellphone kahit nakikita niyo yung ibang mga tao nag tetext sa jeep or sa MRT/LRT wag niyo sila gagayahin dahil mali yon. Lagi po tayo mag iingat...
Kahit nung kasama ko kaibigan ko nung pauwi na kami dahil madalas text ng text yung friend ko kahit pasakay na kami ng jeep sa baclaran di niya namalayan nadukutan phone niya. Bumaba kami ng jeep at nag aalala siya di niya makita pina ring niya sakin phone niya hindi na namin makita.
Kaya always make sure guys lagi kayo mag iingat at wag na wag niyo ilalabas cellphones niyo sa public place. Parating ilagay sa harap niniyo ang bag biyo wag sa side at wag rin sa likod.